Pinulong ng pamunuan ng Manila International Airport Authority ang airline companies, ground handlers at service providers.
Kaugany ito ng gagawing paghihigpit ng MIAA sa ground handlers at service providers kasunod ng nangyaring pagnanakaw ng alahas ng apat na ground handlers ng MIASCOR sa maybahay ng Turkish foreign minister.
Inatasan ni MIAA general manager Ed Monreal ang airline companies na regular na magsagawa ng background check sa kanilang mga ground crew at pinagsusumite rin sila ng buwanang report ng nakawan sa kanilang nasasakupan.
Lalo ring maghihigpit ang MIAA sa pagpapatupad nito ng “no pocket, no jewelry at no watch” policy sa mga uniform ng ground handlers at service providers sa NAIA terminals.
Pinagsusumite rin ni Monreal ang airline companies ng pre-employment records ng kanilang mga ground crew.
Nagbanta ang MIAA management na tatanggalin nila ng pribelihiyo na makapag-operate sa NAIA ang sino mang airline na hindi susunod sa direktiba.
MIAA ,lalo pang maghihigpit sa ground crew ng airlines matapos ang insidente ng pagnanakaw sa NAIA sa Asawa ng Turkish foreign minister
Facebook Comments