Magsasagawa bukas ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng serye ng electrical maintenance activities (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa MIAA, ito na ang ikapito at pinal na paglalagay ng segmented power-related maintenance sa NAIA Terminal 3 mula alas-11:00 ng gabi ng December 12 hanggang alas-2:00 ng umaga ng December 13.
Bunga nito, magkakaroon ng tatlong oras na power interruption sa North Concourse area ng NAIA 3 bukas kung saan nakapwesto ang domestic flights ng Cebu Pacific Air.
Tiniyak naman ng MIAA na maglalagay sila ng generator sets para sa essential equipment at facilities ng paliparan.
Layon nito na hindi maapektuhan ang pagproseso sa mga pasahero at walang maapektuhan na flights.
Facebook Comments