MIAA, may panawagan sa airline operators kasunod ng naging aberya sa mga bagahe sa NAIA 3

Nanawagan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong sa airline operators at sa kanilang ground handler na nag-o-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na tiyakin ang ‘maximum attendance’ ng kanilang mga empleyado.

Ito ay makaraang makapagtala ang MIAA ng 1.6 milyon na mga pasahero sa NAIA terminals mula December 1.

Inatasan din ni Chiong ang airlines na magsumite ng schedule ng kanilang manpower at tiyakin na mayroong sapat na kawani lalo na sa check-in counters gayundin ang mga loader at ramp agents.


Kasunod na rin ito ng naging reklamo ng mga pasahero hinggil sa pagkaantala ng mga bagahe ng patungo sa mga lalawigan.

Pinaalalahanan din ni Chiong ang airlines na abisuhan ang mga pasahero kung hindi na-i-load ang kanilang baggage sa flight at dapat bigyan ang mga ito ng kompensasyon sa aberya alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights (APBR).

Facebook Comments