MIAA, nag-abiso sa publiko na huwag balewalain ang red lightning alert

Nag-abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero hinggil sa kahalagahan ng red lightning alerts.

Sa harap ito ng pagwawala ng ilang pasahero sa tuwing nade-delay ang kanilang flights.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, mahalaga ang pansamantalang pag-hold sa paglipad at paglapag ng mga eroplano kapag may red lightning alerts dahil nasa peligro aniya ang ground personnel.


Ito ay bagama’t ang mga eroplano aniya sa NAIA ay protektado ng lightning strikes dahil sa lightning arresters.

Magugunitang noong Biyernes ng hapon hanggang gabi, naitala sa loob ng 5 oras ang 12 red lightning alerts dahilan para maantala ang pag-landing at pag-take off ng mga eroplano sa NAIA Complex.

Facebook Comments