MANILA – Nagbabala ang Manila International Airport Authority sa ina-asahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa paligid ng NAIA ngayong weekend.Kaugnay ito ng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya para sa mahal na araw.Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa airport at hangga’t maaari ay nasa paliparan na sila tatlong oras bago ang kanilang flight.Umapela rin ang MIAA na limitahan ang pagsama ng maraming maghahatid sa pasahero.Pinapayuhan din ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal sa eroplano para hindi sila maabala sa proseso ng screening chekcpoints.
Facebook Comments