MIAA, nagbabala sa mga sasakay ng eroplano na hindi kumpleto ang travel documents

Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko na maging aware sa requirements kung sila ay sasakay ng eroplano.

Kasunod ito ng pagkakaaresto kahapon sa suspek na nagpapakilalang fixer at namemeke ng travel documents kabilang na ang pekeng RT-PCR test.

Karaniwang binibiktima ng sindikato ang mga pasaherong na-offload matapos na hindi makapagpakita ng kumpletong travel documents.


Una na ring nagbabala ang MIAA sa mga pasaherong nagtatangkang makalusot kahit na sila ay positibo sa COVID-19.

Facebook Comments