MIAA, nagsasagawa ng assessment sa NAIA terminals

Tututukan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang safety at security sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, nag-request na siya sa dalawang area managers ng briefing para sa safety at security na kailangan sa pending ng US-TSA assessment.

Nagsasagawa na rin ang MIAA ng assessment sa NAIA terminals at sa August 19 malalaman ang resulta nito.


Sa isinagawang inspection ni Chiong sa NAIA terminals, napuna nito ang kakulangan sa ilaw sa departure area ng NAIA terminal 2.

Kailangan din aniya ng dagdag na air conditioning sa paliparan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero matapos ang pagluluwag ng travel restrictions ng Local Government Units.

Nais din ni Chiong na magkaroon ng mas malakas na WiFi signal sa NAIA terminals para ma-access ng mga pasahero partikular ang foreign travelers.

Facebook Comments