Muling nagsagawa ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng one-stop-shop vaccination para sa mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, malaking bagay na ginawang vaccination center ang NAIA Terminal 4 habang pansamantalang sarado ang operasyon nito para sa domestic flights.
Paliwanag pa ni Monreal na may higit 6,000 manggagawa ang paliparan kung saan ang iba rito ay sinagot na ng kanilang mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang unang dose na bakuna.
Dagdag pa ng opisyal, tuloy-tuloy ang gagawing one-stop-shop vaccination sa mga tauhan nito kabilang na ang mula sa mga pribadong sektor na nakatalaga sa NAIA.
Sa ngayon, target mabakunahan ang 1,000 indibidwal na nagparehistro nitong nakaraang linggo kasunod ng unang pagbubukas ng Terminal 4 para sa vaccination program ng gobyerno.