MIAA, naka-alerto na rin laban sa FLiRT COVID variant

Naka-alerto na rin ang Manila International Airport Authority (MIAA) para maiwasan ang pagkalat ng FLiRT COVID variant sa bansa.

Inatasan na ni MIAA General Manager Eric Jose Ines ang housekeeping service providers sa lahat ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminals na magsagawa ng regular disinfection sa check-in counters, Immigration counter tops at sa plastic trays na ginagamit sa final screening ng mga bagahe ng mga pasahero.

Inatasan din ng MIAA management ang lahat ng food concessionaires na i-disinfect lagi ang kanilang mga lamesa.


Mahigpit din na screening ang ginagawa ng Bureau of Quarantine sa mga dumadating na pasahero sa NAIA terminals.

Facebook Comments