MIAA, nakapag-remit ng record high na ₱3.42 billion dividends para sa taong 2018

Nakapagtala ng record high earnings noong nakaraang taon ang Manila International Airport Authority o MIAA.

Ayon sa MIAA, kumita sila ng 3.42 billion pesos in dividends na katumbas ng kalahati ng annual income nito.

Ito ang pinakamalaking kita na naitala sa kasaysayan ng MIAA matapos lampasan ng mahigit sa kalahati ang record noong 2017.


Malaki anila ang naiambag ng mataas na passenger volume noong nakaraang taon kung saan mahigit 45 million ang naitala sa NAIA terminals.

Kaya naman nangako si MIAA General Manager Ed Monreal na lalo pa nilang pagbubutihin ang fiscal management ngayong patuloy ang pagpapaigting sa imprastraktura at operasyon ng paliparan.

Bukod sa dividends, nakapag-remit din sa national government ang MIAA ng 5.4 billion pesos na halaga ng corporate income taxes.

Facebook Comments