Nakapagtala ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng 2,979,273 pasahero mula sa domestic at international flights nitong November 2022.
Ayon sa MIAA ng Media Affairs Division, inaasahang madodoble ang naturang bilang ngayong buwan ng Disyembre dahil mas maraming Pilipino at mga dayuhang turista ang papasok sa Pilipinas ngayong holiday season.
Sa kabilang dako, malaking bilang din ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang lumabas ng bansa nitong linggo.
Karamihan sa OFWs na umalis ng bansa ngayong linggo ay patungo ng Middle East.
Nagdagdag naman ng flights ang local air carriers para ma-accommodate ang pagdagsa ng mga pasaherong papaalis at paparating sa bansa ngayong Christmas season.
Facebook Comments