MIAA, nanindigan na huwag nang magsalita sa eskandalong kinasasangkutan ni Sandra Cam sa NAIA

Manila, Philippines – Nanindigan ang Manila International Airport Authority (MIAA) na huwag nang magbigay ng detalye sa publiko kaugnay ng insidente sa NAIA 4 VIP Room noong February 16, 2017.

 

May kaugnayan ito sa ginawang paninigaw ni whistleblower Sandra Cam sa empleyado ng airport nang sitahin siya nito nang hindi makilala sa loob ng VIP Room.

 

Sa statement ng MIAA, umapela ito na huwag na lamang silang magsalita sa isyu, alang-alang sa interes ng bawat partido.

 

Una nang inihayag sa DZXL RMN ng isang MIAA official na nababahala sila na posibleng balikan ni Cam ang kanilang empleyado lalo na kapag naunsyame ang hinahangad na cabinet post ng whistleblower.

Facebook Comments