MIAA, pinag-iingat ang mga pasahero sa mga overcharging na taxi drivers

Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero laban sa mga nananamantalang driver na naniningil ng mataas na pasahe.

Ayon kay MIAA Generalo Manager Ed Monreal, mayroong mga ‘enterprising’ na mga driver, kung saan may ipinapakitang sariling taripa na umano’y aprubado ng MIAA.

Iginiit ni Monreal na wala silang ini-isyung certification o approval.


Payo ni Monreal sa mga pasahero, sumakay lamang sa mga Airport-Accredited Drivers at iwasang kumuha ng mga Colorum.

Kapag nabiktima ay pwedeng isumbong agad ito sa MIAA o sa PNP.

Facebook Comments