Muling pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga airline company na tiyaking maayos ang magiging biyahe ng mga pasahero para sa darating na Holy Week.
Inaasahan na kasi ang unti-unting pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan simula ngayong linggo.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, dapat maging istrikto ang mga airline company pagdating sa schedule ng kanilang departure at arrival flights.
Samantala, inabisuhan din ni Monreal ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa paliparan para hindi na maabala ang mga ito.
Facebook Comments