
Hiniling ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA sa mga stranded na pasahero sa paliparan na patungo sanang Middle East na umuwi muna sa kanilang mga bahay.
Kasunod na rin ito ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan matapos bombahin ng Estados Unidos at Israel ang bansang Iran.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, sa mga may biyahe sa Gitnang Silangan ay maiging makipag-ugnayan muna sa mga airline company kaugnay ng kanilang flight.
Kung maalala, ilang flight mula Pilipinas papuntang Middle East countries ang kinansela dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Ayon kay Ines, ilang airline company ang nagbigay ng hotel accomodation sa 400 nilang mga pasahero.
Pero mas maigi aniyang umuwi na muna ang mga stranded na pasahero dahil wala pang kasigiraduhan ang kanilang biyahe lalo na’t hindi pa humuhupa ang digmaan doon.
Mas maganda rin aniyang umuwi ang mga ito kaysa nakatambak sila sa airport.










