Pinulong na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang airline companies kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa.
Ayon kay MIAA Spokesman Bryan Co, kabilang sa kanilang tinalakay ay ang hinggil sa pagtiyak na nasa maayos ang equipments para walang maging kanselasyon ng mga flights.
Inaasahang aabot sa 140-thousand kada araw ang mga pasaherong dadagsa sa NAIA terminals sa Holy Week.
Samantala, kinumpirma ni Co na pagkatapos ng Mahal na Araw ay ipapatupad na nila ang second wave ng paglilipat ng terminal assignments ng airlines.
Aniya, ilang international airlines ang ililipat sa NAIA terminal 1 at 3.
Facebook Comments