MIAA, suportado ang DICT sa itinutulak na E-governance system o mabilisang proseso ng serbisyo sa bansa sa pamamagitan ng digital technology system

Nakiisa na rin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa itinutulak na E-governance ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasunod ito ng paglagda ng DICT at ng ilang government agencies para sa pag-streamline ng kanilang mga proseso sa pamamagitan ng digital technology.

Kabilang dito ang mga ahensya na nakipagtulungan sa DICT ay ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Health (DOH), Development Academy of the Philippines (DAP), Department of Agriculture (DA), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Customs (BOC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa ilalim nito ay tutulong ang DICT sa pagbuo ng sistema at application sa bawat ahensya ng pamahalaan para mapabilis ang kanilang serbisyo sa bansa.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni PBBM na ilarga na ang digitalisasyon sa gobyerno.

Facebook Comments