Bibisita na sa bansa ngayong araw ang Presidente ng Timor Leste na si Jose Ramos Horta, bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), lalapag mamayan3g hapon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang Royal Brunei flight sakay si Timor Leste Leader.
Matatandaang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang pagdating sa bansa ni Ramos-Horta ay para sa pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Timor Leste.
Inaasahang sasalubungin si Ramos-Horta ng mga matataas na opisyal ng bansa sa pangunguna nila Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at iba pang miyembro ng gabinete.
Samantala, sasalubong naman kay Timor-Leste Leader ang matataas na opisyal ng bansa na pangungunahan nila Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at ilan pang miyembro ng pamahalaan.