Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang tuloy-tuloy na operasyon sa isasagawang electrical maintenance sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Batay sa anunsyong inilabas ng MIAA, nakatakdang i-upgrade ang electrical system sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw hanggang ika- 21 ng Hunyo at inaasahang hindi makakaabala sa mga pasahero at flight operations.
Kinumpirma ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na ang maintenance activities, kabilang ang mga pagsusuri sa functionality at safety integrations, ay isasagawa pagkatapos ng huling flight bawat araw upang maiwasan ang peak hours.
Dagdag pa ni GM Ines, magsu-suplay ang mga genset ng temporary power upang matiyak na mananatiling gumagana ang lahat ng critical systems sa paliparan.