MIAA, tiniyak na ligtas ang NAIA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagiging ligtas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos maglabas ng babala ang Department of Homeland Security (DHS) ng Estados Unidos sa aviation security ng NAIA.

Natukoy kasi ng U.S. Agency na hindi ipinatutupad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang epektibong seguridad na angkop sa security standards ng International Civil Aviation Organization at base ito sa pag-aaral ng U.S. Transport Security Administration (TSA).


Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal – hindi naman lumagpak sa assessment ng TSA ang NAIA.

Aniya, may napansin lamang na mga proseso sa security screening na hindi consistent ang pagpapatupad sa paliparan.

Dagdag pa ni Monreal – mula sa 16 na rekomendasyon ng TSA sa NAIA, pito rito ang naayos na.

Sinabi ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim, tulong ang pakikipag-ugnayan ng U.S. State department sa Department of Transportation (DOTr) na i-ayon sa international security standards ang mga prosesong ipinatutupad sa NAIA.

Facebook Comments