MIAA, tiniyak na may OWWA shuttle na naghahakot sa OFWs na dumadating sa NAIA

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na may nasasakyan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay MIAA Spokesman Connie Bungag, patuloy ang paghahakot ng shuttle buses ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga OFWs na dumadating sa airport, sa harap ng lockdown sa buong Luzon.

Gayunman, ang ilang OFWs, aniya, ay tumatangging sumakay sa shuttle buses kasi ang nais nila ay diretsong ruta sa kanilang mga tahanan sa kalapit na lugar sa Metro Manila.


Ang mga airport yellow naman, aniya, ay limitado lamang ang kanilang operasyon sa loob ng Kalakhang Maynila.

Pinahihintulutan naman ang mga pribadong sasakyan na sumundo sa kanilang mga kamag-anak sa NAIA basta’t hanggang dalawa lamang na sakay ang pinapayagan at ito ay ang driver at ang pasahero.

Facebook Comments