MIAA, tiniyak na nanatiling maayos ang sitwasyon sa NAIA sa kabila ng pagtaas ng bilang ng pasahero

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na maayos ang sitwasyon at manageable naman ang galaw ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa MIAA, bagama’t nakita nila na tumaas ang bilang ng mga pasahero ngayon dahil na rin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at sinundan ng Undas ay aminado sila na maayos ang daloy at galaw ng operasyon sa paliparan.

Una nang sinabi nito na inaasahan nila ang nasa 1.2 million na pasahero ngayon.


Samantala, wala pa namang naiuulat na untoward incident ang airport police department at nakakalat pa rin ang kanilang tauhan bilang parte ng Oplan Biyaheng Ayos 2023.

Facebook Comments