Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang flight na maaapektuhan sa apat na oras na brownout ngayon araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.
Kaugnay ito ng ginagawang electrical systems rehabilitation at upgrade sa paliparan.
Ayon sa MIAA, may generator sets silang inihanda para sa temporary power supply sa RedPoint Office ng AirAsia sa NAIA 3 at sa Boarding Gates 101 hanggang 112.
Gayundin sa moving walkways at elevators sa Levels 2 at 3 ng NAIA 3 international wing.
Maging ang mga restaurant at iba pang establishments sa paliparan ay nilagyan din ng generator sets ng MIAA kasama na south concourse ng Terminal.
Facebook Comments