Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang napinsala ng malakas na lindol kaninang umaga sa Luzon.
Ayon sa MIAA, ito ay base sa ginawang inspeksyon kanina ng Emergency Response and Safety teams ng MIAA sa mga terminal.
Maging ang dalawang runways ng NAIA ay wala ring pinsala at ligtas ito sa flight operations.
Ang MIAA terminals at iba pang gusali sa paliparan may accelerographs set anila na nagsasaad kung kinakailangang na magsagawa ng paglilikas kapag lumilindol.
Pero sa nangyaring lindol kanina, lumabas ang red alarm sa International Cargo Terminal kaya nagsagawa ng evacuation ang mga okupante nito pero maya-maya ay bumalik din sila sa gusali.
Nilinaw naman ng MIAA na walang flights na naapektuhan ng lindol kanina.