Matapos ang magnitude 5.8 na lindol sa Luzon kaninang pasado 4PM ng hapon, agad na nagsagawa ng inspeksyon ang engineering and operations teams ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa airside at terminal facilities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Tiniyak ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na walang naging pinsala ang lindol sa runway at taxiway pavements gayundin sa terminal facilities ng NAIA.
Tiniyak din ng MIAA na walang flights na naapektuhan ng pagyanig.
Samantala, tiniyak naman ng CAAP na walang napinsalang airport at all accounted ang lahat ng personnel sa MIMAROPA at CALABARZON partikular sa mga sumusunod:
• San Jose Airport
• Romblon Airport
• Sangley Airport
• Marinduque Airport
• Calapan Airport
• Pinamalayan Airport
• Lubang Airport
• Mamburao Airport