Hinimok ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na samantalahin ang ginagawang mass vaccination sa airport frontliners.
Sa harap ito ng pagpapatuloy ng pagbabakuna sa mga kawani ng airport na ginaganap sa NAIA Terminal 4.
6,000 manggagawa sa paliparan ang target ng MIAA na mabakunahan kontra COVID-19.
Kasama rito ang building attendants at security guards na empleyado ng manpower agency at ang lahat ng organic personnel ng MIAA.
Kabilang naman sa organic personnel ang mga tauhan ng Office of Transportation Security, Philippine Coast Guard, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Tourism (DOT), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine National Police (PNP) na naka-deploy sa NAIA Terminals 1,2 at 3.