Miami Heat, wagi sa NBA preseason game kontra Atlanta Hawks

NBA – Buena mano sa panalo ang Miami Heat matapos na pahiyain ang Atlanta Hawks sa preseason game ng NBA ngayong araw sa Miami, Florida.

Sa iskor na 96-90, nanguna sa panalo ang shooting guard na si Tyler Johnson na nakagawa ng 14 points.

Hindi umubra sa Miami ang depensa ng Atlanta sa pangunguna naman ni Dennis Schroder.


Sunod na makakaharap ng Miami Heat ang Brooklyn Nets sa Biyernes habang Cleveland Cavaliers naman sa Hawks.

Facebook Comments