Michael Bloomberg, tatakbo sa 2020 US Presidential Elections

Kinumpirma ng US billionaire at dating New York mayor na si Michael Bloomberg na tatakbo ito sa darating na 2020 US Presidential Elections.

Makakalaban niya si US President Donald Trump na kapwa niya bilyonaryo na tatakbo din para sa kanyang ikalawang termino.

Una rito ay nag-file na din si Bloomberg ng kanyang mga kinakailangang dokumento sa Federal Election Commission.


Ang naturang pag-anunsiyo ay kasunod ng ilang linggong usap-usapan na naghahanda na itong kumandidato sa nasabing posisyon.

Facebook Comments