Michael Jordan, itinanghal bilang G.O.A.T

Itinanghal bilang “Greatest Player of All Time” o G.O.A.T. si NBA legend Michael Jordan.

Ito ang naging resulta nang isinagawang survey ng “The Athletic” – isang sports news website.

Lumabas sa nasabing survey – 73% ang naniniwalang si Jordan pa rin ang pinakamahusay na player sumunod si Los Angeles Lakers Star player LeBron James na may botong 11.9% at American basketball player na si Kobe Bryant -10.6%.


Samantala, nanguna sa boto na may 44.3% si Houston Rockets Star James Harden na tatanggap bilang Most Valuable Player (MVP) award title ngayong season.

Sumunod si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na mayroong 38.9% at si Oklahoma City Thunder forward player Paul George na may botong 12.7%.

Facebook Comments