Michael Martinez at Christopher Caluza, nagtapos ng ika-24 at ika-25 puwesto sa Finlandia Trophy sa Finland

Nagtapos sa ika-24 at ika-25 na pwesto sa 2021 Finlandia trophy campaign sa Finland ang Filipino figure skates na sina Michael Martinez at Christopher Caluza.

Ito ay matapos makapagtala ng 156.78 na kabuuang score si Martinez habang 101.16 naman sa free skating part.

Samantala, nakapagtala ng kabuuang 156.24 si Caluza at 96.50 na puntos sa free skate habang 59/74 naman sa short program.


Tulad ni Martinez, ginawa rin ni Caluza ang triple flip, triple lutz, double axels, triple lutz-triple, loob combo at triple salchow.

Facebook Comments