Michael V, may paalala sa mga mahilig mag-shopping online

272

Pinaalalahanan ng komedyanteng si Michael V ang publiko na mag-sanitize ng kanilang deliveries.


Pero ayon sa aktor, hindi lang ang packaging ang dapat i-disinfect maging ang laman nito.

Naniniwala kasi ang komedyante na nakuha niya ang sakit na COVID-19 mula sa pagtanggap niya ng deliveries sa kanilang bahay.

Aniya, dapat makinig sa mga payo ng eksperto para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na sakit.

Sa ngayon, nananatili namang nakaself-quarantine si Michael V matapos magpositibo sa COVID-19 noong nakaraang dalawang linggo.

Facebook Comments