Itinanghal bilang most admired woman sa Estados Unidos ang asawa ni dating U.S. President Barack Obama na si Michelle Obama.
Base sa ‘Gallup’ survey, si Michelle Obama ang pinili ng 15% ng 1,025 respondents.
Mataas ito kumpara sa pitong porsyento na naitala noong 2017.
Tinapos ni Michelle ang 17 years na pamamayagpag sa top spot ni dating U.S. Secretary of State Hillary Clinton na ngayon ay nasa ikatlong pwesto na lamang habang nasa ikalawang pwesto ang sikat na TV talk show host na si Oprah Winfrey.
Pasok din sa listahan sina Queen Elizabeth at German Chancellor Angela Merkel.
Facebook Comments