USA – Aabot sa siyam na porsiyento o halos apat na libong empleyado sa buong mundo ang sinibak ng micro-blogging site na Twitter dahil sa pagkalugi.Sa report, posible pa itong madagdagan kung patuloy ang pagkalugi ng kumpanya at mabigong makahanap ng buyer.Hindi na kasi makasabay sa kita ang Twitter sa kalaban nitong Facebook, Snapchat at Instagram.Nitong nakalipas na buwan, bumagsak ng 27 porsiyento ang shares ng Twitter sa stockmarket.Nabatid na maraming mga celebrities, mamamahayag at mga pulitiko sa buong mundo ang gumagamit ng Twitter.Gayunman, hindi tulad ng Facebook at iba pang social media sites, nahihirapan itong makakuha ng mas malawak na audience sa mga ordinaryong mamamayan.
Facebook Comments