Micro – financing ng pamahalaan, aarangkada na

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong buwan ang micro – financing ng pamahalaan

Ayon kay Dept. of Trade and Industry Assistant Secretary Ted Pascua – unang makikinabang dito ang ilang piling probinsya sa bansa.

Layon ng programa na magkaloob ng mas murang pautang sa mga maliliit na negosyante kapalit ng 5-6.


Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na tuluyang ipagbawal sa bansa ang pagpapautang ng 5-6 ng mga indian national na naglalagay ng mas mataas na interes.

Nabatid na naglaan ang administrasyon ng isang bilyong piso para sa nasabing lending program.
DZXL558

Facebook Comments