MICROCHIPPING PARA SA MGA ALAGANG ASO, MAGSISIMULA SA NOBYEMBRE!

Baguio, Philippines – Bilang proteksyon kung sakaling nawala o kinuha ang mga inaalagaang aso, magsasagawa ang City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) ng mandatory microchip installation sa mga ito sa darating na Nobyembre.

Ang nasabing Microchipping ay sumasailalim sa City Ordinance No. 60-2020 kung saan nakasaad na ito ay para madaling matunton ang alaga kapag ito ay nawawala o ninakaw, monitoring schedule para sa anti-rabies, at pagbibigay ng karapat-dapat na pananagutan ang may-ari.

Ang mga lalagyan ng Microchip ay ang mga alagang nasa tatlong buwan pataas na nagkakahalagang P300 kada aso na isasagawa ng CVAO sa pamamagitan ng Scheduled Mass Tagging Activities sa mga barangay at bibigyan naman ng registration certificate ang nag-aalaga pagkatapos itong mai-microchip at kung pumanaw na ang alaga ay kailangang ipagbigay alam ito sa CVAO sa loob ng limang araw at kapag ililipat na ito sa bagong may-ari dadaan muli sa registration ang bagong may-ari at magbabayad ito ng P250.


P2,000 multa ang babayaran ng mahuhuling hindi susunod sa naturang ordinansa at ganun din sa ipapataw sa may ari ng mga rehistradong asong gala P1,000 o maharap sa posibleng administrative o criminal charges ang isang inidibidwal na ayaw magbayad ng anumang fees matapos maimpound at hindi pinamicro-tag ang alaga.

Samantala, para sa mga  hindi makukuha o “unclaimed”, mayroong P500 adoption fee ang babayaran sa CVAO mula sa kanilang mga na-impound o kung hindi ito mabibigyan ng amo, maari itong ibigay bilang donasyon para sa Scientic Studies o habang buhay ng pagpapahingahin.

Facebook Comments