MICROPLASTIC WASTE, TINUKOY NA BANTA SA INDUSTRIYA NG PAG-AASIN -DOST

Nagbabala ang Department of Science and Technology (DOST) na maaaring maapektuhan ng lumalalang problema sa microplastic pollution, ang muling pagpapanumbalik ng industriya ng asin sa Pangasinan dahil sa lumalalang problema ng microplastic pollution.

Sa press conference kaugnay ng inagurasyon ng kauna-unahang ASIN Center sa Pangasinan State University (PSU) Binmaley Campus noong Pebrero 17, inilahad ng ahensya na ang kontaminasyon ng microplastics sa tubig-dagat ay isa sa mga isyu na dapat maresolba upang matiyak ang kalidad ng asin.

Gayunman, lumalabas sa pagsusuri na may presensya ng maliliit na plastic particles sa karagatan, na maaaring mapunta sa produktong asin kung hindi ito matutugunan.

Ayon sa mga nakaraang pag-aaral sa Dagupan City, sinabi Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Environment and Natural Resources (ENR) Day 2025 na kabilang ang bansa sa may pinakamataas na ambag sa plastic waste sa buong mundo.

Umaabot umano sa 61,000 metrong tonelada ng solid waste ang nalilikha araw-araw sa Pilipinas, at 12% hanggang 24% nito ay plastik.

Dahil dito, binigyang-diin ng DOST na ang bagong tatag na ASIN Center ang inaasahang makapaghanap ng solusyon sa suliraning kinakaharap ng industriya ng asin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments