Maa-access na ang microsite para sa Maharlika Investment Fund (MIF) simula pa kahapon.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office o PCO ito ay maa-access gamit ang microsite na maharlika.dof.gov.ph.
Pinapaliwanag sa microsite ang kahalagahan at maitutulong ng MIF sa ekonomiya ng bansa.
Nakapaloob rin sa microsite ang mga balita at event patungkol sa Maharlika Investment Fund.
Maging ang mga larawan nang mga aktibidad at indibidwal na may kaugnayan sa MIF ay kasama rin sa MIF microsite.
Ang Maharlika Investment Fund ang kauna-unahang sovereign wealth fund sa bansa.
Kamakailan lang ay inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maisabatas ang Maharlika Investment Fund.
Ang Maharlika Investment Fund ay key component ng Marcos administration para sa Medium Term Fiscal Framework.
Ito rin ay makakatulong sa 8-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Development Plan 2023-2028 ng Marcos administration.