Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng mid-school year wellness break mula Oktubre 27 hanggang 30, 2025.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga at makarekober matapos ang mga nagdaang kalamidad at pagtaas ng kaso ng trangkaso sa bansa.
Ayon sa DepEd, pansamantalang ititigil ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro.
Kasabay nito, idineklara rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan na walang pasok sa Oktubre 31, bilang bahagi ng special non-working holiday sa buong bansa upang makapaghanda sa paggunita ng Undas.
Facebook Comments









