Middleman na nagpapataas sa presyo ng bigas, pinapa-imbestigahan sa NBI

Hiniling ng House Quinta Comm o Murang Pagkain Super Committee sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga middleman na hinihinalang nagpapataas sa presyo ng bigas sa mga palengke.

Isinulong ito ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin matapos ipakita ng Philippine Competition Commission (PCC) sa pagdinig ng Quinta Comm ang mga kahinaan ng rice supply chain.

Napuna ni Garin na ang retailer ay tila hindi nabibigyan ng direktang linya papunta sa totoong wholesaler.


Ayon kay Garin, sa ganitong sistema ay maaaring kinokontrol ng mga middleman ang suplay ng bigas upang maibenta sa mataas na presyo.

Dismayado si Garin na sa ₱55 hanggang ₱60 kada kilo ang bigas gayong ibinaba na sa 15% ang dating 35% na taripa sa imported na bigas at bumaba na rin ang farmgate price nito.

Facebook Comments