Middleman sa Percy Lapid slay, pumayag nang magtestigo ayon sa pamilya Mabasa

Kinumpirma ni journalist Roy Mabasa na pumayag nang magtestigo hinggil sa kaso ng pagpatay sa kanyang kapatid na si broadcaster Percy Lapid ang middleman sa krimen.

Ayon kay Mabasa, tumawag mismo sa kanya ang isang prosecutor mula sa Department of Justice (DOJ) para ipagbigay-alam sa kanya ang desisyon ng middleman na si Christopher Bacoto.

Kinumpirma rin ito ni Mabasa sa kanyang Facebook post.


Si Bacoto ang sinasabing kumausap sa gunman na pumatay kay Ka Percy.

Nakakulong ngayon si Bacoto dahil sa kasong drug trafficking.

Umaasa rin si Mabasa na madadakip na rin sa lalong madaling panahon ang tinuturong mastermind sa krimen na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Facebook Comments