Midrange Missile System, dapat munang manatili sa bansa ayon sa isang senador

Naniniwala si Senator Migz Zubiri na dapat munang manatili sa bansa ang midrange missile system na dinala ng mga militar ng Estados Unidos noong Abril na ginamit para sa Balikatan exercises.

Matatandaang tinuligsa ng China ang pananatili sa bansa ng midrange missile system dahil naguudyok ito ng gulo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Zubiri, hangga’t hinaharass tayo ng China sa WPS at unti-unti silang lumalapit sa kalupaan ng bansa nang iligal ay dapat lamang manatili ang midrange missile system.


Pero sinabi ng mambabatas na ang China naman ang unang nagpo-provoke ng gulo sa ating teritoryo.

Nilinaw naman ni Zubiri na hindi naman pang-opensiba o pang-atake ang nasabing midrange missile system kundi ito ay pangdepensa lamang tulad sa protective iron dome ng Israel.

Dagdag pa ng senador, welcome din ang ang iba pang mga bansa na magbigay ng ganitong kagamitan sa Pilipinas lalo’t hindi naman natin kayang tapatan ang military capability ng China.

Facebook Comments