MIDTERM ELECTION | PNP, humihingi ng dagdag na pondo para sa security preparation

Manila, Philippines – Karagdagang pondo ang hinihiling ngayon ng Philippine National Police sa national govt. para sa security operation sa midterm election.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde tuwing makalipas ang tatlong taon ay nagsasagawa ng eleksyon sa bansa at bilang deputized agency ng Commission on election ay kinakailangan maia-angat ang kapabilidad ng PNP.

Dahil dito ay humiling sila ng mas mataas pa na pondo na inilaan nang nakalipas na taon.


Sa kabila naman ng kawalan ng sapat na pondo sinabi ni Albayalde na dahil sa supplemental President’s Contingency Fund ay nakabili ang PNP ng mga basic requirements at nagkaroon ng program expenditure.

Samantala, patuloy na nagpapatupad ang PNP ng reorganization at reassignment ng kanilang mga tauhan na may mga kamag anak na mga kakandidato para sa midterm election.

Layon nitong matiyak na hindi magagamit ang PNP sa anumang political issues.

Facebook Comments