Manila, Philippines – Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) na balasahin ang kanilang mga opisyal bilang paghahanda sa election 2019.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nagsimula na ang paglilipat sa ilang mga regional directors para matiyak ang patas at matapat na halalan.
Magtatalaga rin aniya ng mga bagong opisyal sa PNP Region 4-A o Calabarzon, National Capital Region Police Office o NCRPO at iba pang panig ng bansa.
Kasabay nito, nilinaw ni Albayalde na pansamantala lang ang paglilipat ng mga opisyal ng PNP hanggang matapos ang eleksyon.
Aniya, maaaring maibalik ang mga naibalik na opisyal lalo na kung maayos naman ang kanilang pamamalakad ng mga ito.
Facebook Comments