Midterm elections, walang mangyayaring brownout – DOE

Manila, Philippines – Muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang mangyayaring brownout sa araw ng eleksyon hanggang matapos ang bilangan ng boto.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sapat ang reserba at supply ng kuryente.

Aniya, may reserbang kuryenteng 14,000 megawatts habang 11,000 megawatts ang peak demand sa kuryente.


Giit pa ni Cusi, magbabalik operasyon na bukas, may 4 ang ilang plantang pumalya nitong nakaraang araw habang magbubukas naman ng tatlo pa.

Maliban rito, pagbabawalan rin aniya ang mga planta na magsagawa ng maintenance shutdown hanggang matapos ang eleksyon at bilangan ng boto.

Facebook Comments