MIDTERM POLLS | Sara Duterte, nagpasalamat sa resulta ng senatorial bet survey

Nagpaabot ng pasasalamat si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa tiwala na binigay ng mga Pinoy sa kanya.

Kaugnay ito sa inilabas ng Pulse Asia survey sa top senatorial bet ngayong 2019 midterm polls kung saan top 5 ang alkalde sa top candidates na may 39.5 percent.

Pero kahit masaya sa resulta si Mayor Sara, binigyang diin niya na mananatili siya sa pagbibigay serbisyo sa mga Dabawenyo at wala umano siyang plano magpapipili sa national positions.


Samantala pasok din si BuCor Chief Ronald Bato Dela Rosa na nasa ika-16 na pwesto pero plano pa rin nitong tumakbo bilang gobernador sa Davao del Sur.

Facebook Comments