Nakatakdang maglabas ng midterm reform ang National Economic and Development Authority (NEDA).
Ito’y kasunod ng target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na inaasahang mailalabas ang midterm reform sa susunod na taon o sa kalagitnaan ng termino ni Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan aniya nito ay matutukoy kung nasaan na ang bansa sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng administrasyong Marcos at matuto mula sa mga karanasan sa unang tatlong taon.
Kumpiyansa naman si Balisacan na nasa tamang direksyon ang administrasyong Marcos sa pagpapatupad ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Facebook Comments