Midwife, patay matapos mabundol ng truck sa Davao City

Patay ang isang midwife matapos mabangga ng isang truck sa Kilometer 14, Panacan, Davao City.

Batay sa impormasyon ng Davao City Police Office, kinilala ang 59-anyos na biktima sa alyas na “Gilda”, mula sa Barangay Ilang, Davao City.

Kinilala naman ang drayber ng trailer truck sa alyas na “Alfer”, 27-anyos, at mula sa Barangay Morales, Koronadal City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, tumatawid umano ang biktima mula sa western portion ng highway at binabaybay naman ng trak ang northbound lane habang nakaposisyon sa innermost lane.

Habang tumatawid ang biktima, nasalpok siya ng trak na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang drayber at ang trak na kanyang minamaneho habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments