MIF Bill, pipirmahan bago ang SONA ni PBBM1 sa July 24

Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pet bill na Maharlika Investment Fund Bill bago ang State of the Nation Address (SONA) sa July 24.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, itinutulak ng economic team na malagdaan ang panukala bago ang SONA.

Ayon sa kalihim, na-endorso na sa Office of the President ang Maharlika Bill.


Disyembre noong nakaraang taon nang isulong ni Pangulong Marcos ang Maharlika.

Ayon sa pangulo, malaking tulong ang Maharlika Bill para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno.

Facebook Comments