Posibleng manghikayat ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kanyang mga key cabinet officials ng mga negosyante sa Malaysia na mag-invest sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza sa press briefing sa Malacañang.
Matatandaang kamakailan ay isinabatas na ng pangulo ang panukalang Maharlika Investment Fund na ayon sa Palasyo ay key component ng Marcos administration para sa Medium Term Fiscal Framework.
Ito rin ay makakatulong sa 8-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Development Plan 2023-2028 ng Marcos administration.
Sinabi pa ni Daza na inaasahan nilang pagkatapos ng pagpupulong ng pangulo kina Malaysian King Al- Sultan Abdullah at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ay makakapag-generate ng investment pledges mula sa mga Malaysian companies.
Ito ay dahil ang Malaysia ay top ten trading partners ng Pilipinas nitong taong 2022 at top 20 na source of tourist arrival ngayong taon.