Mighty Sports, muling sasabak sa 2019 Jones Cup

Muling sasabak ang Mighty Sports para kumatawan sa bansa sa 2019 Jones Cup na gaganapin sa Hulyo 12 hanggang 21 sa Taipei.

Makakaharap ng 2017 Jones Cup Champion Mighty Sports ang mga koponan mula sa Iran, Japan, South Korea, Jordan at Tunisia.

Ayon kay Charles Tiu, Head Cocah ng Mighty Sports, muli silang sasandal sa mga dating PBA Imports na sina Renaldo Balkman, Z­Achary Graham at Eugene Phelps kasama ang mga locals na sina Fil-Ams Jason Brickman, Jason Gray, Roosevelt Adams, Mikey Williams, Aaron Black, Gab Banal at Joseph Yeo.


Nabatid na makakasama rin bilang Coaching Staff si dating Gilas Pilipinas Mentor Rajko Toroman.

Facebook Comments